42

Oct 18, 2019 @ 15:08
By

Rule on Competition Law inaprubahan na ng SC

Inaprubahan na ng Supreme Court (SC) ang Rule on Administrative Search and Inspection sa ilalim ng Philippine Competition Act (PCA) na may layong makatulong sa imbestigasyon at prosekusyon ng mga lalabag na negosyo o kompanya sa isinasaad ng competition law.

Sa resolusyon ng En Banc, ang naturang panuntunan ang siyang mamamahala sa aplikasyon, pag-iisyu at pagsasagawa ng inspection order sa administrative investigations ng mga may paglabag umano sa PCA, implementing rules and regulations, at iba pang competition laws.

Ang PCA ay ang pangunahing competition policy sa Pilipinas na nagpapayabong at pumoprotekta sa competitive market.

Gayunpaman, ang detection, investigation at prosekusyon sa mga mapatutunayang lumabag sa PCA at nauugnay na batas ay nangangailangan pa rin ng rule of procedure para sa application, issuance at implementasyon ng inspection orders sa mga competition case.

Ang lahat naman ng aplikasyon para sa inspection order ay dapat agad maaksyunan sa loob ng 24 oras.

Ipinangalap ang naturang panuntunan ng Special Committee for the Rules on Inspection sa pamumuno ni Justice Diosdado Peralta.

Sa Nobyembre 16, 2019 nakatakdang maging epektibo ang nasabing panuntunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?