221

Oct 22, 2017 @ 11:49

Ruffa tawa-iyak sa paghuli ng eel

NAKAKALOKA ang eksena sa backstage ng Eat Bulaga noong Biyernes during Bulagaan Olympics 2017. Nang si Ruffa Gutierrez na kasi ang sasalang bilang part ng blue team, nagkagulo na ang mga nasa backstage at lahat ay tumutok sa ilang monitors na nandoon.

Ang may hawak nga ng social media account ng Eat Bulaga na si Therese, tinakbo pa kami sa labas ng studio para sabihing sasalang na si Ruffa. Sure kasi sila na magiging laugh trip ang mga gagawin ni Ruffa sa Bulagaan Olympics 2017, kaya lahat sila ay excited, huh!

Nangyari naman ang ine-expect nila, dahil ‘kaloka nga si Ruffa. Sa ‘pabitin’ part ng nasabing game segment, sili ang nakuha ni Ruffa sa pamamagitan ng bibig niya.

“My gosh, nilulon ko talaga!” sey sa amin ni Ruffa after.

Bumagsak pa si Ruffa sa sahig sa game na ‘yon at nataranta ang mga taga-Eat Bulaga sa pagtulong sa kanya.

Sa pagkuha naman ng eel o igat, takot na takot si Ruffa at dulas ‘yon nang dulas sa kanyang mga kamay, kaya hindi siya naging successful at tili siya nang tili na ikinatawa naman talaga ng mga tao sa loob ng studio at nu’ng maka-one minute na at hindi pa rin siya nakakukuha ng eel, tinulungan na siya ng teammate na si Rodjun Cruz.

Si Ruby Rodriguez na host ng game segment na ‘yon, tawa nang tawa kay Ruffa.

Sa social media naman, pinag-usapan ang exposure ni Ruffa sa Bulagaan Olympics 2017 at tawa raw sila nang tawa sa reactions ni Ruffa sa pagkuha ng igat. May iba na naiyak na raw sa katatawa kay Ruffa.

Mismong ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal ay kinunan sa TV ang paghuli ni Ruffa sa eel at ipinost ‘yon sa social media, na ni-repost din naman ni Ruffaree.

May iba rin na nagre-request na sumali uli si Ruffa sa nasabing game segment ng Eat Bulaga.

“My gosh, tawa ako nang tawa nang mapanood ko ang video. During the game, natatawa ako na natatakot habang kinukuha ko ‘yung eel. Halos maiyak na nga ako sa katatawa. Hahaha,” kuwento ni Ruffa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?