25

Aug 4, 2021 @ 16:20
By

Ruffa sa anak: Huwag muna mag-dyowa!

Ganap ng dalaga ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin, kaya naman sa pagsapit ng ika-18 kaarawan nito ay siniguro ng aktres na makapagiiwan siya ng sweet message para sa anak.

Sa Instagram post ni Ruffa, inihayag niya ang mensahe sa anak, na nagdiwang ng kaarawan noong Agosto 3.

“Don’t be in such a hurry to grow up. Savour your youth. Yes, you’re officially an adult, but that definition means being responsible with all aspects of your life,” saad sa post ni Ruffa.

Sa isang bahagi ng post ay naroon ang isang matinding bilin ni Ruffa para kay Lorin.

“Be a good girl – huwag muna mag boyfriend (gosh, I sound like my mom). And if you decide to have one 10 years from now, choose wisely. Be with someone who respects you and is God Fearing. Don’t just follow your heart Lorin, use your brain,” ani Ruffa.

Tinatahak na rin ni Lorin ang mundo ng showbiz. Nitong Mayo ay opisyal siyang naging parte ng Viva Artists Agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?