43

Jun 24, 2022 @ 10:15
By

Ruffa sa 48th birthday: Alive, happy, and healthy

Masayang sinalubong ni Ruffa Gutierrez ang kanyang ika-48 na kaarawan ngayong Biyernes, Hunyo 24.

Nag-post si Ruffa sa kanyang Instagram ng isang throwback picture mula taong 2007 kung saan kasama niya sa larawan ang dalawang anak na sina Lorin at Venice.

Sa caption, sinabi ni Ruffa na sangkatutak na bagay na ang kanyang pinagdaanan mula noong 2007. Kaya naman, marami siyang pinagpapasalamat.

“Countless up & downs, heartaches & breakthroughs, failures & triumph,” wika ng aktres.

“Today, on my special day, I cannot be more thankful to be alive, happy, and healthy,” dagdag pa ni Ruffa.

“Life itself is a beautiful gift. It may sound cliché but let’s manifest that the best is yet to come. Happy birthday to me!” pagtatapos ni Ruffa sa post.

Binati naman siya ng mga netizen sa comment section.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?