By

Ruffa napa-OMG sa pagbubuntis ni Ellen

Sharing is caring!

NAAALIW kami sa ibang entertainment press, pati sa ibang mga kakilala namin, dahil kami ang tinatanong kung ano ang reaksyon ni Ruffa Gutierrez sa balitang pagbubuntis ni Ellen Adarna courtesy of John Lloyd Cruz?

Naging controversial din kasi ang naging relasyon noon ni Ruffa kay John Lloyd. Kung matatandaan, nakunan silang magkasama sa Beverly Hills some years ago, kaya nabuking ang kanilang relasyon noon.

Wala nga pala kaming maisagot sa mga nagtatanong sa amin tungkol sa reaksyon ni Ruffa dahil never nabanggit ni ‘Ruffaree’ ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Kahit madalas sabihin ni Tita Annabelle Rama na tsismosa si Ruffa, in fairness, never niyang naging topic sa usapan namin ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen. Tahimik lang si Ruffa pagdating sa bagay na ‘yon.

Pero para matahimik ang mga nagtatanong sa amin, kinulit na rin namin si Ruffa tungkol doon?

“Oh, she’s pregnant? With who???” unang reaksyon niya na sinagot naman namin na, “Ikaw pa, hindi mo alam?”

“LOL, is that confirmed??? Omg!” sey lang ni Ruffa.

Well… (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?