1,390

Sep 28, 2021 @ 16:31
By

Ruffa naloka sa gustong pusa ng mga anak

Nawindang si Ruffa Gutierrez sa pinapabili ng mga anak niyang pusa.

Nagkakahalaga kasi ito ng P300,000!

Ikinuwento ito ni Ruffa sa isang episode ng “It’s Showtime”.

Tinanong ni host Vhong Navarro sina Janice de Belen, Ruffa at Amy Perez kung may pinabili ba ang mga anak ng mga ito na hindi nila malilimutan.

“‘Yung gusto talaga ni Venice at saka ni Lorin, bumili ako ng pusa. Eh ‘yung pusa na gusto nila P300,000 my God! Sabi ko, ‘Kumuha na lang tayo sa kalye ng pusa at alagaan’,” ani Ruffa.

Dagdag niya, marami na raw puwedeng mabili ang P300,000 lalo ngayong pandemya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?