41

Oct 10, 2017 @ 11:33

Ruffa, nagulat sa ‘premium’ ni Sarah

KAHAPON ang 24th birthday ni Sarah Lahbati. Isa sa unang bumati kay Sarah ay ang ate ng fiancé niyang si Richard Gutierrez na si Ruffa Gutierrez.

Ilang days ago, may ikinukuwento si Ruffa tungkol sa insurance policy na binabalak niyang kunin. May balak din daw si Sarah na kumuha ng kaparehong insurance policy.

Medyo ikinaloka nga lang ni Ruffa na mas mataas ang premium na kailangan niyang bayaran kumpara sa computation ng premium na dapat bayaran ni Sarah.

Na-realize lang daw ni Ruffa na bata pa si Sarah. Kapag magkakasama kasi sila sa bahay o sa kung anumang event ng kanilang pamilya, halos magbarkada lang ang turingan nina Ruffa at Sarah, kaya nagulat siya na ganoon nga lang pala ang edad ng nanay ni Zion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?