207

Dec 3, 2021 @ 22:12
By

Ruffa keber kahit maliit si Herbert

Pihadong kikiligin si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa naging reaksyon ni Ruffa Gutierrez sa isang article tungkol sa kanya.

Sa isang tweet, nag-comment si Ruffa sa article ng Abante showbiz columnist na si Jun Lalin tungkol sa pagiging boto ni Annabelle Rama kay Herbert.

Sey ni Annabelle, maliit pero mabait ang dating mayor.

Ipinagtanggol din ito ni Ruffa at wapakels daw siya sa height ni Bistek.

“Maliit?? Well, I’m 5’10 so more than half of Filipino men are shorter than me. Besides, height doesn’t matter. Or does it?” sambit ng aktres na isa ring beauty queen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?