2,848

Jan 12, 2021 @ 20:37
By

Ruffa, Ellen binalaan kay Derek

Ilang netizen ang winarningan sina Ruffa Gutierrez at Ellen Adarna tungkol kay Derek Ramsay.

Naging bisita ni Ruffa sa isang dinner sina Derek at Ellen, na ayon sa kanyang Instagram post ay mga kapitbahay niya.

“Hanging out with my super fun neighbors @ramsayderek07 @maria.elena.adarna and Sky,” caption ni Ruffa sa photo kasama sina Derek at Ellen habang hawak ang isang aso.

Kabilang sa nag-comment ang mga follower ni Ruffa na sina @lame7o at @janzzth.

“Ingat po tayo girls,” sey ni @lame7o.

“@iloveruffag extra ingat,” sabi naman ni @janzzth.

Nireplayan ito ni Ruffa ng: “We are in good hands.”

Magugunitang binatikos si Derek ng mga netizen matapos ang

breakup nila ni Andrea Torres last November 2020 dahil wala raw nagtatagal na relasyon ang 44-anyos na aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?