1,028

Dec 13, 2017 @ 17:24
By

Ruffa ayaw nang balikan ang ‘date’ kay Ian Veneracion

Sa kuwento sa amin ni Ruffa Gutierrez tungkol sa That’s Entertainment reunion nila, puno ng tuksuhan nang dumating si Keempee de Leon at lumapit kay Vina. Nang mag-duet ang dalawa, panay ang kantiyawan na sila ang KathNiel of the 90’s.

“My gosh, ang saya-saya!” sey ni Ruffa at idinagdag pa na noong gabing ‘yon ay napagkuwentuhan din na nanligaw pala sa kumare niyang si Karla Estrada si Romnick Sarmenta.

“Pero that time, abalang-abala si Karla kay Rommel Padilla, kaya walang nangyari sa panliligaw ni Romnick sa kanya!” dagdag na kuwento ni Ruffa.

Naloka rin si Ruffa sa kuwento ni Ian Veneracion na nag-date silang dalawa noong araw.

“What? Nagulat ako, hindi ko matandaan. Pero sabi ni Ian, ‘yung date na ‘yon, hindi naman date na date talaga. As in siya lang ang naging escort ko sa isang awards night at sinundo raw niya ako sa White Plains.

“Lumabas pa raw ng gate si Mommy at nang sumakay na ako sa car ni Ian, pinasundan pa raw kami sa isang car namin.

“Then sabi ni Ian, sabi raw niya sa akin, iligaw namin ‘yung car na pinasunod sa amin ni Mommy. Nakakatawa. Ni hindi ko na matandaan ‘yon!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?