235

Dec 6, 2017 @ 16:53
By

Rufa Mae walang poise, bakyang-bakya sa harap ni Pia Wurtzbach

According to Rufa Mae Quinto, ipinaglihi niya ang anak niyang si Alexandria Magallanes kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Eh, bed rest lang si P-chie (palayaw ng sexy comedienne) noong ipinagbubuntis niya ang kanyang baby girl, kaya palagi niyang pinapanood ang mga video ni Pia.

Pati pictures daw ni Pia, gustong-gusto ni P-chie na nakikita noong ipinagbubuntis niya si Alexandria.

Pangarap nga raw noon ni P-chie na makita in person si Pia na natupad na nang magkita sila sa ABS-CBN, kaya hindi pinalampas ng sexy comedienne ang pagkakataon na ‘yon at parang fan na nagpa-picture sa ating Miss Universe 2015.

Actually, halos mawalan ng poise si P-chie nang puntahan niya sa dressing room si Pia at nagpakuha siya ng picture rito kasama si Baby Alexandria.

That time nga, parang nasa heaven ang feeling ni P-chie dahil natupad na ang noon pa ay wini-wish niya na makilala si Pia! (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?