23

By

Rufa Mae Quinto balik-bida sa pelikula

Sharing is caring!

Bibidang muli ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa indie film na ‘Bagyong Bheverlynn’, isa sa mga entry sa Cinema One Originals Film Festival 2018.

Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Charliebebs Gohetia, at tinatampukan din ni Edgar Allan Guzman.

Nagpapasalamat si Rufa Mae dahil muli siyang naging bida sa pelikulang ito.

“I really want to thank Charlie for giving me the chance to do this movie. Kasi hindi ko naman siya kilala pero hinanap niya ako. So after I gave birth and after appearing on TV in Home Sweetie Home, bida ulit ako sa isang movie,” saad ng seksing komedyana.

Pabirong saad pa ni Rufa Mae, “Nakakatuwa kasi ang past movies ko naman, hindi pang-award. Puro comedies, masaya lang. So ngayon dito, may chance akong manalong best actress. Sino bang judges? Iboto nyo naman ako, kasi chance ko na, eh.”

Isang babaeng may storm alter ego ang role ni Rufa Mae sa pelikulang ito.

“Iba kasi ang emote niya. Madali siyang masaktan. Tapos, na-broken hearted pa siya. Kapag nasasaktan siya kaya niyang wasakin ang buong Pilipinas. Kapag nalulungkot siya, bumabagyo, umuulan so para ma-save ang mundo kailangan niyang maging masaya para sa sarili niya,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?