225

May 3, 2021 @ 22:22
By

Rufa Mae naghubad sa US magazine

Walang kiyemeng naghubad si comedian Rufa Mae Quinto para sa isang US magazine cover.

Sa Instagram ibinahagi ng komedyana ang upcoming magazine cover ng Showbiz Hollywood kung saan natatakpan lamang ng mga bulaklak ang mga private part niya.

Kuha ito ng US-based Filipino photographer na si Vincent Gotti.

“Pasabog for the week! I had the pleasure of shooting with one of San Francisco’s Top Photographers @vinniegotti for an upcoming magazine cover in Showbiz Hollywood @showbizmagazine. It will be release May 11th,” ani Rufa Mae.

“Di ko ma explain sa asawa ko na nasa Hollywood cover magazine na ako, Kasi di ako makapaniwala into in Hollywood magazine with the best of the best. Natawa ako habang sinasabi ko sa asawa ko na hollywood nga ito. Salamat sa Lahat na miss ko mag pose ng ganito … So proud to be a Filipino! Hinde na ito joke,” dagdag niya.

Ikinasal si Rufa Mae sa kanyang Filipino-American husband na si Trevor Magallanes noong 2016.

Sa US na sila nanirahan simula ng pandemya kasama ang kanilang unica hija na si Alexandria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?