212

Nov 22, 2021 @ 17:47
By

Ruby Rodriguez pinarangalan sa Amerika

Nanalo ng award sa United States ang dating “Eat Bulaga” host na si Ruby Rodriguez.

Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang larawan sa natanggap na parangal mula sa Gawad Amerika Foundation.

“Im honored and my heart is filled for the recognition and honor you have given me Gawad America,” sey ni Ruby.

Inalay niya ang award sa mga nakasama niya sa GMA Network kabilang na ang kanyang mga dabarkad sa “Eat Bulaga” at “Owe My Love”.

Kabilang sa bumati sa kanya ang matalik na kaibigang si Pauleen Luna-Sotto, Paolo Ballesteros at Ryza Mae Dizon.

“Congratulations!!!!! Love you!” comment ni Pauleen.

“Nax naman! Congrats labyu misshoo,” ani Paolo.

“Congrats tita rubs!!” sey ni Ryza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?