183

May 25, 2021 @ 16:15
By

Ruby Rodriguez, office girl na sa California

Kung sa Pilipinas ay kilalang aktres si Ruby Rodriguez, regular na office worker naman siya sa Los Angeles, California.

Sa kanyang Instagram post, pinasilip ni Ruby ang kanyang unang araw sa trabaho.

Hindi klaro kung saan nagtatrabaho si Ruby, ngunit naka-tag ang Philippine Consulate General sa kanyang post.

“First day of new normal for moi #workinggirl #subwayislife,” set ng ‘Eat Bulaga’ host.

Binati naman si Ruby ng kanyang mga dating nakasama sa Kapuso network tulad nina Pauleen Luna at Rhea Santos

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?