27

Nov 17, 2020 @ 13:36
By

Rubio nagpasaring sa Twitter

NASA Phoenix Suns na ang veteran guard na si Chris Paul mula OKC Thunder, makakasama na nito si Devin Booker sa team.

Apat na manlalaro ang naging kapalit para maging posible ang trade.

Nakasama sa trade papuntang Thunder sina Ricky Rubio, Kelly Oubre Jr., Ty Jerome at Jalen Lecque.

Marami ang natuwa sa trade na naganap dahil malakas na tandem ang mabubuo ni Booker at CP3, may humirit rin naman na masyadong marami ang ibinigay ng Suns para kay Paul na may edad na rin.

Maging si Ricky Rubio ay ‘di napigilan na mag-tweet matapos ang naganap na trade.

Ani Rubio, “what a business.”

Umani naman ng suporta mula sa fans si Rubio kahit ito’y nasa OKC Thunder na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?