59

May 13, 2021 @ 17:36
By

Ruben Ecleo pumanaw na

Inanunsyo ni Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director General Gabriel Chaclag na pumanaw na nitong Huwebes ang cult leader at dating mambabatas na si Ruben B. Ecleo Jr.

Sa pahayag ni Chaclag, sinabi nito na cardiopulmonary arrest ang ikinasawi ni Ecleo dakong alas-12:20 p.m. ng tanghali habang nasa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

“Other medical conditions include obstructive jaundice and chronic kidney disease secondary to obstructive uropathy,” pahayag ni Chaclag.

Dagdag pa niya, nagkaroon ng COVID-19 si Ecleo ngunit isang linggo na mula nung ito ay nakarekober.

Nitong nakaraang buwan lamang ay naospital ng tatlong araw ang dating mambabatas dahil sa problema sa atay at iba pang komplikasyon.

Si Ecleo ay dating “supreme leader ng Philippine Benevolent Missionaries Association at naging kongresista mula sa San Jose, Dinagat Islands.

Naaresto siya noong Hulyo 2020 dahil na rin sa samo’t-saring kaso tulad ng graft at parricide, nang patayin nito ang sariling asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?