13

Oct 4, 2021 @ 18:22
By

RT-PCR test sa NCR, ilang rehiyon kumonti – DOH

Bumaba bilang ng isinagawang RT-PCR test sa 14 rehiyon sa bansa sa nakalipas na linggo, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa huling pitong araw, nag-average na lamang ng 69,055 ang mga test na isinagawa sa bansa, mas mababa ng 11.8% kumpara sa nakaraan pang linggo.

Kaya naman bumaba rin ang mga naitalang kaso ng positibo sa COVID, mula 48,229 hanggang 35,603.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaaral nila ang mga posibleng dahilan ng pagbaba sa bilang ng COVID tests.

“We are still assessing the reasons for this decline and if this reflects a true decline in cases or is affected by other factors such as ongoing active case finding and contact tracing and the use of rapid antigen test to complement the RT-PCR testing,” wika ni Vergeire.

Bukod dito, ang Metro Manila ang nangunguna sa mga rehiyon sa bansa na malaki ang binaba sa isinagawang RT-PCR test, mula 266,042 ay nasa 37,383 na lamang ito.

“Of this, four local governments reported a general decrease in the case trend and, by extension, contacts detected: Caloocan, Pasig, Pateros, and Mandaluyong,” dugtong pa ni Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?