32

By

RS Francisco limang aktor ang natikman

Sharing is caring!

Simula noong September 14 ay regular ng napapanood ang stage play na ‘M Butterfly’ na pinagbibidahan ni RS Francisco. Napakahusay ni RS portraying the role of Song Liling even after 28 years nang huli niya itong i-perform.

Fabulous din ang production design, minimalist pero napaka-elegant.

Role ng isang Chinese na nagpanggap na isang babae kunsaan, nagkagusto sa kanya ang isang French Diplomat na si Rene Gallimard.

In real life, kahit na sobrang successful ni RS, wala raw siyang boyfriend.

“‘Di ba sabi ko nga, single ako for more than 14 years but it doesn’t mean na nasi-zero ako.”

Takot siya na baka maloko lang?

“Hindi ako takot kasi kaya kong magdala ng relasyon. Hindi ako ‘yung tipong maa-ander or maloloko.”

Nagkaroon na ng affair si RS sa isang actor pero hindi raw talaga niya papangalanan.

“Meron, lima… but I’m not naming names. Hindi jowa. Pica-pica lang ang mga ganyan.”

Sey namin, hindi kami naniniwala.

“Yes, that’s true talaga. May mga nagpaparamdam, pero siyempre kailangan alamin mo rin. Pero alam niyo, hindi kasi ako mahilig sa artista. Hindi rin ako mahilig sa mga models.”

Sa totoong buhay, malayo raw sa kung ano siya at sa karakter na ginagampanan niya as Son Liling. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?