17

Jan 17, 2021 @ 20:12
By

RR Garcia Phoenix pa rin

Mananataling Phoenix si Ryan Roose ‘RR’ Garcia sa loob ng dalawang taon.

Ito ay matapos siyang gawaran ng Super LPG management ng two-year contract extension dahil sa ipinakitang performance sa PBA Philippine Cup bubble.

Noong elimination, nakagapagtala ng 6.8 mga average point, 2.2 mga rebound at 2.1 mga assist ang veteran guard.

Noong semis naman ay nakapagtala siya ng 6.6 mga average point per game.

Mapagpasalamat naman ang veteran guard sa management ng kanyang koponan.

“Masaya ako, kasi nabigyan ako ng pagkakataon na maipakita na puwede pa akong maglaro sa PBA,” pahayag niya.

Nakapaglaro na si Garcia para sa mga koponang Batang Pier, Star, San Miguel at TNT.

Pagkatapos nito ay naging free agent ang manlalaro at doon kinuha ng Fuel Masters.

Sambit niya, nais niyang magretiro sa kasalukuyan niyang team.

“Eight years na ako sa PBA, halos ilang teams na yung nadaanan ko. Gusto ko dito na ako mag-retiro,” said Garcia.

“Nung nag-usap kami ni Coach Topex (Robinson), gusto niya dito na rin ako mag-retiro,” dagdag pa niya.

Taong 2013 nang masungkit niya ang ikaanim na puwesto sa PBA Draft ng GlobalPort Batang Pier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?