120

Apr 13, 2021 @ 15:22
By

‘RP-US Balikatan dagdag-tensiyon sa China’

Magbibigay ng dagdag na tensiyon sa pagitan ng US at China ang ginagawang Balikatan exercises sa pagitan ng sandatahang lakas ng US at Pilipinas na dahilan upang maipit umano ang bansa sa dalawang nag-uumpugang superpowers.

Babala ito ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Dahil dito, giit ni Zarate, mas nakakabuti sa pamahalaan na panindigan ang pag aari at soberenya nito sa West Philippine Sea (WPS) na wala nang sumasawsaw na ibang puwersa na makakadagdag lamang sa tensiyon.

“If this competition for dominance escalate, we will surely be crushed in the middle of it all. What can be done now is to call for a de-escalation of tensions in the WPS and to demilitarize the area,” ayon kay Zarate.

Maari naman umanong humingi ang Pilipinas ng tulong mula sa Parliamentarians upang mapabilis ang paghupa ng tensiyon sa WPS sa pamamagitan na rin umano ng inisyatibo ng liderato ng Kongreso.

“The leadership of Congress could seek the support of the Asian Parliamentary Association (AIPO) and the Inter-Parliamentary Union (IPU) to denounce China’s expansion in the disputed region. As standing members of the AIPO and the IPU, we should use these venues to gather international support to oppose Chinese expansionism and militarization of the West Philippine Sea,” ayon kay Zarate.

Dagdag pa ng Solon , “We may not win through military might against China or any superpower but certainly we are strong in the legal, moral, and diplomatic arenas.”

Ang Balikatan exercises ay isinasagawa sa ilang piling lugar sa Luzon hanggang Abril 23, kabilang dito ang bilateral staff exercise, close air support training, maritime security training, at humanitarian and civic assistance activities.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?