21

Terry Rozier umeksena sa LeBron-Irving faceoff

Sharing is caring!

Umeksena si Terry Rozier sa dapat sana’y paghaharap nina LeBron James, Kyrie Irving at Isaiah Thomas nang umiskor ng 20 points sa panalo ng Boston Celtics kontra Cleveland Cavaliers, 102-88, nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time).

Si Rozier ang responsable sa huling walong puntos ng Boston sa first quarter para iabante ng 11 ang koponan.

Nagsalpak pa siya ng walong puntos sa kalagitnaan ng fourth kaya’t lumobo ang lamang nila sa 21.

Nakagawa lang ng 11 puntos si Irving para sa Celtics, na may apat na sunod nang panalo.

Maaga namang lumabas ng playing court si Kevin Love ng Cavs sa fourth dahil sa tinamong pilay sa kanang bukung-bukong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?