32

Nov 8, 2017 @ 12:28

Roy Halladay, ex-MLB pitching star, patay sa plane crash

Nasawi ang retired Major League Baseball pitcher Roy Halladay matapos bumagsak ang minamaneho nitong eroplano sa west coast ng central Florida. Siya ay 40 anyos.

Ayon sa Pasco County Sheriff’s Office, bumulusok ang ICON A5 single-engin amphibian aircraft na sinasakyan ni Halladay sa Gulf of Mexico, isang milya ang layo sa city of New Port Richey, sa Florida.

Nag-iisa lang si Halladay sa eroplano. Nabatid na hindi nagpadala ng distress calls ang dating pitching ace bago ang pagbagsak.

Si Halladay ay naglaro sa Toronto Blue Jays at Philadelphia Phillies at nagretiro noong 2013 matapos ang 15 taong paglalaro sa MLB.

Naging Cy Young Award siya bilang best pitcher sa American at National Leagues, naging 8-time All Star at nakakakuha ng 203 regular-season victories.

Noong 2010, pumukol si Halladay ng no-hitter para sa Phillies sa Game 1 ng National League Division Series lbana sa Cincinnati Reds.

Ang kanyang feat ay nangyari 54 taon matapos bumato ng perfect game si Don Larsen para sa New York Yankees sa 1956 World Series.

Binili ni Halladay ang aircraft noong Oktubre 12 dahil pangrap nitong makapagpalipag ng eroplano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?