50

Nov 23, 2018 @ 13:25
By

Roy Cimatu binantaan ang mga regional director ng DENR

Hinamon ni Environment Secretary Roy Cimatu ang lahat ng regional director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Saad ni Cimatu nararapat lamang na magbigay aksyon ang mga ito sa pagpapanumbalik ng linis at ganda ng mga ilog sa bansa.

Determindo si Cimatu na maibalik sa kaayusan ang mga ilog sa bansa at handa itong magbigay gantimpala sa best performing regional department offices sa paglilinis ng ilog.

“For those who will be able to clean and establish the cleanest river in the country they will be given some awards,” saad nito.

Samantala binantaan naman niya ang mga regional director na ang sinumang hindi makikiisa sa paglilinis ng mga ilog ay aalisin sa pwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?