51

By

Roxette singer Marie Fredriksson pumanaw na

Yumao na ang singer na si Marie Fredriksson.

Namatay si Fredriksson noong Lunes, Disyembre 9 matapos ang 17 taon na pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Matagumpay ang pagiging solo artist ng 61-anyos na singer sa Sweden bago nakipag-team up kay Per Gessle na bumuo sa Roxette.

Naging No. 1 sa US Billboard Hot 100 chart noong 1989 ang breakout single ng Roxette na “The Look”.

Smash hit din ang isa pa nilang single na “It Must Have Been Love” matapos itong gamitin na soundtrack sa romantic comedy na “Pretty Woman” noong 1990 kung saan bida sina Richard Gere at Julia Roberts.

Taong 2002, na-diagnose si Fredriksson na may brain tumor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?