61
Roxas wala pang plano matapos matalo sa eleksyon
May 22, 2019 @ 17:05
By

Roxas wala pang plano matapos matalo sa eleksyon

Nagpasalamat si dating Interior Secretary Mar Roxas sa mga nagtiwala, sumuporta at nagmalasakit sa kaniya sa eleksyon matapos pormal nang iprinoklama ang mga nanalong senador nitong Miyerkoles.

Aniya, hindi niya pa alam kung ano ang susunod na mangyayari sa kaniya o gagawin matapos mabigo sa senatorial race.

“I don’t know what comes next. On behalf of my whole family, maraming-maraming salamat sa tiwala, suporta at malasakit. I am so very humbled and honored to have been in the trenches and frontline with you all,” aniya.

Sa mga nanalong senador, walang kandidato ng Otso Diretso ang nakapasok sa Top 12, na kinabibilangang grupo ni Roxas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?