155
Roxas: Coco levy fund gamitin para sa mga magniniyog na apektado ng El Niño
Apr 5, 2019 @ 19:16
By

Roxas: Coco levy fund gamitin para sa mga magniniyog na apektado ng El Niño

Isinuhestiyon ni senatorial candidate Mar Roxas ang paggamit sa coconut levy fund para matulungan ang mga coconut farmer na nalulugi na dahil sa tagtuyot sa Quezon Province.

Aniya, kailangan na ng mga magsasaka ng niyog ang tulong ng gobyerno para makaahon sa pagkalugi sa kanilang produkto.

Ipinunto nito ang pagbaba ng halaga ng copra sa P3 kada kilo mula sa dating P20 hanggang P25.

Ngayong Biyernes ay binisita ni Roxas ang Pamilihang Bayan ng Tayabas at Sariaya Public Market dahil gusto umano niyang ipakita ang bawat sako at bawat kilo nito na pawis at pagsisikap ng mga maggugulay at mga magsasaka.

Sinabi naman ni Roxas na sakaling maluklok muli siyang senador ay prayoridad niya ang pagpapalakas sa agrikultura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?