100

Dec 26, 2020 @ 13:04
By

Roxanne Barcelo umaming kasal na!

Bago matapos ang 2020, humabol si Roxanne Barcelo sa mga celebrity na ganap nang misis.

Ilan sa mga showbiz couple na naunang kinasal ngayong taon ay sina singer Jay-R at Mica Javier, KZ Tandingan at TJ Monterde, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, at Sarah Geronimo at Matteo Guidecelli.

Inanunsyo ni Roxanne sa kanyang Youtube vlog na nag-propose ang kanyang non-showbiz partner sa kabila ng pandemya.

“I got engaged. My partner asked me to marry him. And he said he wants to start a family with me. It was such a beautiful moment because he asked me twice,” sey ng Kapuso actress.

“He asked me for the first time a few months after quarantine. Pero since naka-lockdown pa noon, all we knew was we were going to get married before the year ends,” aniya pa.

Binahagi din ni Roxanne ang ilang moment sa kanyang wedding.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?