55

Jan 22, 2021 @ 17:30

Roxanne Barcelo: I’m preggo!

Kinumpirma ni Kapamilya actress Roxanne Barcelo sa kanyang YouTube vlog na nagdadalang-tao siya.


Sa naturang video, makikita ang 36-anyos na aktres na nagbe-bake kasama ang kapatid nitong si Timmy.

“While those buns are in the oven, there’s another bun in the oven. My bun is in the oven,” saad niya.

“Mga Badidap, I wanted to share with you all that I’m preggo!” sambit niya.

Matatandaang ibinunyag ng aktres noong Pasko na kasal na siya sa hindi pinangalanang lalaki.


“I waited for so long, but in the end I married the Love Of My Life,” saad niya sa caption ng kanyang Instagram post.

Taong 2006 nang pumasok si Barcelo sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition.

Lumabas din siya sa pelikulang Abay Babes noong 2018 at The Panti Sisters noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?