17

Jul 13, 2020 @ 13:52
By

Routine inspection daw! Awtoridad sige ang picture, video sa misa

Sabi ng isang pari sa Quezon City, kahina-hinala umano ang ginawa ng mga awtoridad na biglang pagkuha ng video at photo habang nagmimisa siya.

Unang beses aniya itong nangyari sa naturang simbahan.

“Their behavior was very suspicious … If they were on official business, they should have the courtesy first to ask permission,” wika ni Fr. Robert Reyes ng San Isidro Labrador Parish sa isang panayam.

“I think what they did was not standard operating procedure. It is an infringement, a violation of the sanctity of the Eucharist,” dagdag niya.

Nabahala ang pari sa ginawa ng tatlong unipormadong lalaki pasado alas-otso ng umaga noong Linggo, na nasaksihan sa closed-circuit television (CCTV) camera sa labas ng simbahan.

Samantala, pinagwalang-bahala ni Department of Public Order and Safety chief Elmo San Diego ang sinabi ni Reyes na dapat manghingi ng consent bago mag-record sa phone.

Kinumpirma rin ng hepe na ang tatlong lalaki sa CCTV ay mga tauhan niya, na nagsagawa lang umano ng “routine inspection”.

“No need for permission. The church is an open [place]. Anyone can come in and observe,” sambit ni San Diego, sa isang ulat.

Sa susunod na linggo aniya, aarestuhin na nila ang sinumang hindi susunod sa physical distancing at temperature check sa mga religious service, kahit pa pari o imam ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?