86

Nov 28, 2020 @ 8:51
By

Ross: Thompson legend na sa PBA!

Kung si Chris Ross ang tatanungin, matagal nang nasungkit ni Scottie Thompson ang titulong ‘legend’ sa PBA.

Sa comment ng San Miguel veteran kay sports anchor Chuck Araneta, sinabi nito na bago pa man ang pampanalong tres ni Scottie sa Game 5 ng semifinals kontra Meralco, legend nang maituturing ang Ginebra do-it-all guard.

“Already was a legend in my book. 4 chips. Finals mvp! Kid is talented,” sey ni Ross.

Sa edad na 27, puno na ng accomplishment ang resume ni Thompson sa PBA.

Matapos mapasama sa All-Rookie Team, nagsunod-sunod naman ang kampeonato nito para sa Ginebra.

Ginawaran din ito ng Finals MVP award noong 2018 PBA Commissioner’s Cup, at napasama sa All-Star buhat pa noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?