16

Aug 24, 2020 @ 9:29
By

Ross sumabog ulo kay Doncic

Pasabog si Luka Doncic.

Ito ang nagkaisang reaksiyon ng mga NBA player matapos magpaulan ng 43 points, 17 rebounds at 13 assists ang 21-anyos na Slovenian.

Nagawa niya ito sa pang-apat pa lang na playoff game ng kanyang NBA career.

Bukod sa binomba siya ng tubig bilang pagbati ng Dallas Mavericks teammates, binaha si Doncic ng papuri sa Twitterverse–netizen man o basketbolista.

Kabilang sa mga namangha ay sina Lebron James, Stephen Curry, Dwyane Wade, Terrence Ross, Kevin Love, at Zach LaVine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?