50

By

Ross natupad ang pangarap makapag-SEAG

Abot-tenga ang ngiti ni San Miguel guard Chris Ross matapos mapabilang sa Gilas 15-man pool na sasabak sa 30th Southeast Asian Games na pinirmahan ng SBP sa pagmamando ng bagong Gilas coach na si Tim Cone.

“Woke up to news that I’m part of the Gilas pool for the SEA Games! WOW! What an honor to be included!! Truly grateful for this opportunity!!,” tweet ni Ross (@cmross6).

Nagbigay suporta naman ang former veteran Gilas guard na si Gabe Norwood at si NorthPorth Batang Pier guard Robert Bolick matapos mapili bilang isa sa magrerepresenta para sa bansa.

“Congrats bro!,” tweet ni Norwood (@GNorwood5), habang si @BabesBolick ay sinabing “congratulations kuya!! Goodluck!”

Pinuri naman ni Cone si Ross.

“Never in my 30 years of coaching have I seen a player improve so much from the beginning of his career to now than Chris Ross @cmross6. Just hard work. Evolved into a superstar,” sabi ni Cone (@manilacone).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?