8

May 4, 2021 @ 19:59
By

Ross graduate na sa kolehiyo

Matapos ang 13 taon nang lisanin niya ang kanyang unibersidad ay nagawa pa ring magtapos ng kolehiyo si San Miguel Beermen point guard Chris Ross.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, Mayo 4, ay masayang ibinahagi ng 36-anyos na manlalaro na siya ay opisyal nang gumraduate ng kolehiyo sa Marshall University noong Mayo 1.


“It was a long time coming but I used quarantine as a time to better myself and fishing some things that I didn’t get to finish when I was first presented the situation,” saad ni Ross sa caption ng kanyang post.

Sa isang panayam, sinabi ni Ross na naantala ang kanyang pagtatapos matapos mawala ang kanyang athletic scholarship sa nasabing unibersidad noong 2007.

“I’m proud and giving myself a pat on the back for never giving up on myself and finally getting it done! I’m officially a college graduate!” dagdag ni Ross.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?