48

Oct 27, 2021 @ 22:39
By

Ross babad sa NBA

Balik na sa kani-kanilang buhay at bahay ang San Miguel Beer makaraang magmintis sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup Finals sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Nakauwi na sila, ang ilan ay nagbabakasyon na tulad ni 2019 Rookie of the Year na Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ,na family time sa misis at anak agad ang inatupag.

Ang veteran guard naman ng Beermen na si Christopher Michael ‘Chris’ Ross nasa Amerika na. Sulit ang paglipad dahil sa National Basketball Association live game ang bet.

Ibinahagi ni Ross sa social media account ang video niya Miyerkoles ang panunuod ng laban ng Los Angeles Lakers at San Antonio Spurs. Napakalapit ni Ross sa courtside, kasama rin ang ama.

“Had to get my pops out the house to watch his favorite team,” aniya.

Pinost din ng basketbolista sa instagram story ang paglapit kay Lebron James na hindi lumaro kontra Spurs.

“No Bron tho.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?