213

Jul 24, 2021 @ 15:11
By

‘Rosebud’ arestado sa ‘vaccine slot for sale’

Nadakma sa pagbebenta ng vaccine slot si Mary “Rosebud” Ong at tatlong iba pa sa Pasay City.

Ikinasa ang entrapment operation laban sa apat na suspek ng National Bureau of Investigation Special Action Unit dahil umano sa paglalako ng vaccine slot ng mga ito sa halagang P7,000.

Nakakulong na si Ong sa NBI Compound.

Mahaharap si Ong sa mga kasong estafa at paglabag sa RA 6713 at RA 3019.

Si Ong ang nagkaladkad noon kay dating Philippine National Police chief at ngayo’y Senador Panfilo Lacson sa illegal drugs trade at kidnap-for-ransom operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?