Rose nag-sorry sa Cavs

Sharing is caring!

Nag-sorry si Cleveland Cavaliers guard Derrick Rose sa kanyang mga kakampi dahil sa pagliban sa mga laro ng team.

Halos dalawang linggong nawala sa sirkulasyon si Rose dahil sa dinamdam na left ankle injury, ayon sa ESPN.

Maiksi lang ang sinabi ni Rose sa kanyang mga teammate sa shootaround bago mag-umpisa ang laban ng Cavs sa Sacramento Kings.

Nauna nang nagsabi ang mga kakampi ni Rose kabilang na si LeBron James, na hindi naman kailangan pang magpaliwanag sa kanila ni Rose.

Ayon kay Cavs coach Tyronn Lue, masaya umano ang buong team sa pagbabalik ni Rose at hindi ‘big deal’ ang nangyari.

Wala naman eksaktong araw kung kailan babalik sa court si Rose, ayon pa kay Lue.

Ngunit dagdag ng coach, sumasailalim sa ngayon sa rehab si Rose at sinusubukang muling maging malakas.

Sinabi naman ng spokesman ng Cavs na nakatakdang humarap sa media si Rose sa Biyernes sa Indianapolis o sa Sabado (Linggo, PH time) sa Cleveland bago ang laban ng Cavaliers sa Philadelphia 76ers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?