32

Oct 13, 2021 @ 22:40
By

Rose ikakasal na naman

Ibinida ni 2011 National Basketball Association Most Valuable Player Derrick Rose ang larawan ng kamay ng kanyang nobya na may suot na singsing.

Sa pinost na larawan ng 33-year-old, 6-foot-2 point guard Martes, diyamente ang engagement ring.

“I will always love you becuz you go above and beyond. We will built a beautiful family and a unbreakable bond. Thank you Queen,” aniya.

Ibinahagi rin ni Alaina sa kanyang social media account ang highlight na ito ng relasyon sa basketbolista.

“Mrs. Rose. My face hurts. Just got engaged in MSG nothing major,” sambit ng fiance ni Rose.

Sa Madison Square Garden ginawa ni Rose ang proposal, sa homecourt ng New York Knicks.

2018 naman nang mapabalitang lihim na ikinasal na ang dalawa.

Mayroon na silang dalawang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?