33

Aug 1, 2021 @ 20:36
By

Rosario, Tropang Giga nagregalo kay Reyes

Niregaluhan ni Troy Rosario at ng TNT ng malutong na panalo si coach Chot Reyes sa kanyang 57th birthday Linggo, Aug. 1.

Nangapital sa pinuwersang 21 turnovers at 13 steals ang Tropang Giga para agawan ng panalo ang Phoenix 84-80 sa second game sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sa likod ng 15 points, 8 rebounds ni Rosario ay kinontak ng TNT ang pangatlong panalo sa gayunding dami ng laro sa PBA Philippine Cup, sadsad ang biktima sa 1-4.

“Coach, sinabi mo kanina kung ano gusto mo. Eto na,” pahayag ni Rosario katabi si Reyes sa postgame interview.

Nagdagdag si RR Pogoy ng 13 points, may 10 markers at 9 assists si Jayson Castro sa TNT.

“We started the game really, really flat,” bulalas ni Reyes. “Rigors of playing two days ago then one break.”

Inilayo ng 3 ni Aljun Melecio ang Fuel Masters 75-70 kulang 8 minutes pa, nagtuhog ng 8 unanswered points si Rosario para agawin ang unahan at hindi na bumitaw.

Limang players ng Phoenix ang nagsumite ng double figures sa pangungu

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?