20

Jun 23, 2022 @ 23:06
By

Rosario, TNT niligwak RoS

STANDING

TEAM W L

San Miguel 3 0

Brgy. Ginebra 3 1

Meralco 3 1

TNT 4 2

Blackwater 2 1

NLEX 2 2

Phoenix 2 2

Magnolia 2 3

NorthPort 2 3

Converge 2 3

Rain or Shine 1 4

Terrafirma 0 4

Mga laro ngayon (SM Mall of Asia Arena)

3 pm – Phoenix vs Magnolia

6 pm – San Miguel vs Ginebra

Naghabol ang TNT, nangailangan ng extra five minutes bago ipinagpag ang makulit na Rain or Shine 89-85 sa pamumuno nio Troy Rosario sa Ynares Center sa Antipolo Huwebes ng gabi.

Sa pasalubong na panalo kay Rookie of the Year Mikey Williams na nakapaglaro na sa 47th Philippine Basketball Association 2022 Philippine Cup elims, angat sa 4-2 ang Tropang Giga. Napigil sa 1-4 ang Elasto Painters.

Naiwan ng hanggang 56-40 sa third quarter ang Tropa pero humabol, hanggang sa itabla sa 78-78 ng drive ni Jayson Castro. Kumabyos ang 3-point attempt ni Rey Nambatac sa kabila.

Huling itinabla sa 85 ng split free throws ni Santi Santillan bago kinalawit ni Poy Erram sablay ni Troy Rosario para ibalik sa basket ang bola at 87-85 lead 70 seconds pa sa OT.

Pinalitadahan ng dalawang free throws ni Castro ang final tally.

Nagsumite ng 19 points si Rosario, tumapos ng 15 si Mikey bagama’t 5 of 20 lang mula sa field. Naka-double-double si Erram na 13 points, 10 rebounds si Erram.

Nasayang ang career-high 19 points ni Matt Nieto sa Painters, may 17 markers, 10 boards si Santillan.

Sinakalan naman ng Meralco (3-1) ang iniskor na 20 ni Aaron Black upang ilubog ang NorthPort (2-3), 97-87.

Mga iskor:

Unang laro

Meralco 97 – Black 20, Maliksi 16, Banchero 16, Hugnatan 11, Quinto 9, Jose 9, Newsome 7, Baclao 4, Pasaol 3, Hodge 2, Belo 0, Caram 0.

NorthPort 87 – Malonzo 21, Bolick 15, Santos 11, Ayaay 10, Calma 10, Balanza 9, Sumang 9, Dela Cruz 2, Apacible 0, Javier 0, Ferrer 0.

Quarters: 32-22, 56-37, 83-61, 97-87.

Pangalawang laro

TNT 89 – Rosario 19, M.Williams 15, Erram 13, Pogoy 12, Castro 12, Khobuntin 5, K.Williams 4, Alejandro 4, Tungcab 3, Cruz 2, Marcelo 0, Heruela 0, Ganuelas-Rosser 0, Banal 0.

Rain or Shine 85 – Nieto 19, Mamuyac 18, Santillan 17, Nambatac 16, Torres 6, Belga 5, Norwood 2, Demusis 2, Caracut 0, Borboran 0.

Quarters: 20-17, 37-40, 51-62, 78-78, 89-85.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?