15

Jan 23, 2021 @ 20:02
By

Rosario pasok na sa Bubble

Nasa Bubble na sa Calamba, Laguna ang Gilas mainstay na si Troy Rosario.

Matagal na rin na parte ng team si Rosario na kung titignan ay talagang swak na swak para sa Gilas Men’s Basketball team.

Nakakatuwa si Rosario dahil ilang oras bago ito pumasok sa Bubble, may ilang stories pa ito na pinost sa kanyang instagram account.

May baon itong sushi, may post ng larawan nila ng kanyang misis na matagal na namang mawawalay sa isa’t isa dahil sa duty ni Rosario para sa bansa.

Nang papasok na ito sa Bubble, may story pa ito kung saan nagtanong pa siya kung papasok ba o papasok na ang tanging choice lang naman ay yes.

Ani Rosario, “Para Sa Bayan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?