45

Oct 26, 2021 @ 15:41
By

Rosario malabo na makabalik sa finals

Malaking dagok ang kahaharapin ng TNT Tropang Giga sa mga nalalabing laro ng PBA Philippine Cup finals dahil sa tinamong injury ng starting forward na si Troy Rosario.

Matatandaang masama ang naging bagsak ni Rosario sa third quarter ng game three kung saan nanalo ang Magnolia, 106-98.

Nasahod ni Magnolia forward Jackson Corpuz si Rosario, dahilan para ma-dislocate ang kaliwang hinliliit nito.

Bukod pa sa kanyang daliri, iniinda rin umano ni Rosario ang kanyang likod.

“Spinal shock causing only 70% sensation on his left leg + open finger dislocation. Doubtful to return because may need surgery,” pahayag ni TNT team manager Gabby Cui.

Lamang pa rin ang TNT sa serye, 2-1, bagamat malaking kawalan si Rosario sa sakaling ‘di na siya makabalik.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?