48

Jul 31, 2019 @ 19:44
By

RoS banderang kapos kay Ross, San Miguel

Ilang beses nang nabiktima ng come-from-behind wins ang Rain or Shine, huli nitong Lunes sa MOA Arena sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals.

Nilamangan ng Elasto Painters ang San Miguel Beer ng 44-15 para lang tumukod 117-105.

Ngayong midseason conference, dinistansiyahan ng RoS ang NorthPort ng 25 pero naubusan sa overtime.

Noong Game 1 ng 2016 Philippine Cup semis kontra SMB, abante ng 22 sa second quarter ang Painters at natalo rin.

Laban sa Beermen pa rin, nalusaw ang 24-point lead ng RoS at sumadsad sa Game 1 ng 2015 Governors Cup.

Ang 21-0 tear ng SMB sa second stanza noong Lunes ang fourth all-tine longest unanswered run sa kasaysayan ng prangkisa ng San Miguel.

Bago ang laro, ang career-highs ni Chris Ross ay 31 points at 5 triples.

Nagliyab siya ng 34 kontra Painters.

Ang SMB franchise record sa most threes sa isang laro ay 10, ibinaon ni Marcio Lassiter sa 113-110 loss sa Rain or Shine noong Game 2 ng 2015 Governors Cup semis.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, ang biggest turnaround sa huling 14 na taon ay 45 points – naiwan ng 17 ang Alaska bago tinalo ang Talk ‘N Text ng 28 (113-85) sa Game 1 ng 2007 Fiesta Conference Finals. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?