23

Jun 7, 2021 @ 10:45
By

Rory McIlroy super proud kay Yuka Saso

Bilib si dating world no. 1 golfer Rory McIlroy kay Yuka Saso.

Ito’y matapos na malaman ni McIlroy na ginaya sa kanyang laro ang swing ni Saso.

“That’s sort of – like the way our heads both go at impact. There is some stuff there,” ayon kay McIlroy.

Kaya ngayong nag-champion ang Pinay sa US Women’s Open ay isa si McIlroy sa mga bumati kay Saso.

Nabanggit din ni Saso si McIlroy matapos niyang masungkit ang kampeonato para maging pinakaunang Pinay na nakasungkit ng major championship sa LPGA.

“Rory mentioned me on Instagram and said, ‘Get that trophy.’ And I did! So thank you, Rory,” saad ni Yuka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?