1,034

Nov 29, 2021 @ 9:04
By

Roque hindi kumampi kay Bong Go

Bagamat dating presidential spokesperson, hindi kay presidential aspirant Senador Bong Go umanib si Harry Roque para sa kanyang senatorial bid sa 2022.

Ito ay dahil sa senatorial slate ng tambalang Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio umanib si Roque para sa 2022 elections.

Ito ay kahit pa si Go ang iniendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang humabol si Roque sa substitution ng mga kandidato sapagkat inabangan nito ang desisyon ni Mayor Sara.

Sinabi rin ng kampo ni Marcos na sumulat sa kanila si Roque noong Nobyembre 25 para ipahayag ang suporta sa kandidatura ng dating senador at para tanggapin ang alok ng Partido Federal ng Pilipinas na maging guest senatorial candidate.

Si Roque ay tumatakbo sa ilalim ng People’s Reform Party.

Bago makilala bilang presidential spokesperson ng administrasyong Duterte, si Roque ay isang law professor sa University of the Philippines at isang human rights lawyer. (mjd)
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?