19

By

Roque tuluyan nang pinalitan ni Panelo

Sharing is caring!

Wala nang babalikang posisyon si Presidential Spokeman Harry Roque makaraang maglabas ng memorandum ang tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagtatalaga kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang bagong presidential spokesperson.

Ang memorandum order ni Medialdea ay inilabas October 11, 2018 alinsunod na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng impormasyon sa publiko.

Sinabi ni Secretary Panelo na nasa Bali, Indonesia siya kasama ang Presidente ng matanggap ang abiso mula sa Office of the Executive Secretary.

“I was designated Presidential Spokesperson by the President pursuant to an October 11 memorandum addressed to me signed by Executive Secretary Salvador Medialdea,” ani Panelo.

Hindi naman masabi ng bagong spokesperson kung ano na ang mangyayari kay Secretary Roque matapos ibigay sa kanya ang posisyon nito.

Sinabi ni Panelo na nakatanggap siya ng text message mula kay Roque at hiniling na magkita sila sa Lunes para aniya siguro magpaalam at magpasalamat sa ilang buwang pagsisilbi bilang tagapagsalita ni Duterte.

“He texted me and asked to meet me if he can meet me on Monday siguro to say his goodbye and thanks,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?