23

Oct 4, 2021 @ 16:17
By

Roque tuloy sa pagdadasal kung tatakbong senador

Wala pang pinal na desisyon si Presidential Spokesman Harry Roque kung tutuloy sa pagkandidato sa pagka-senador sa darating na eleksiyon.

Sinabi ni Roque na patuloy siyang nagdarasal at pinag-aaralan ang gagawing magiging desisyon kung tuluyang papalaot sa mas mataas na puwesto.

Bukod dito, sinabi ni Roque na kailangan niya ring makausap muna si Pangulong Rodrigo Duterte bago magdesisyon.

“Nagdadasal pa po tayo at kinakailangan pang kausapin ang ating Presidente,”ani Roque.

Naunang inihayag ng kalihim na tutuloy lamang ito sa pagtakbo sa Senado kung tatakbong Presidente si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ng kalihim na miyembro siya ng Hugpong ng Pagbabago na siyang partido ng alkalde, bukod pa sa kabilang din ito sa partidong itinatag ni dating senadora Mirriam Defensor Santiago na People’s Reform Party.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?