118
ABANTE HARRY ROQUE SALARY INCREASE TODO EXPLAIN
By

Roque todo paliwanag sa salary increase ng mga guro

Sharing is caring!

Todo paliwanag ngayon si Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa pahayag na magiging doble din ang sahod ng mga pampublikong guro tulad ng ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa suweldo ng mga pulis at sundalo.

Ito ay matapos ihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang pondo sa ngayon na nakàlaan para sa dagdag-sahod ng mga guro.

Sinabi kahapon ni Roque na ibinatay niya ang pahayag sa direktiba ng Pangulo sa cabinet meeting noong Lunes kung saan inatasan ng Presidente ang Budget Secretary na hanapan ng pondo ang salary increase ng mga guro matapos gawing doble ang sahod ng mga pulis at sundalo.

“My statement was “I am not sure how much the increase …… judging from the military and police……. could be double. No mistake there since I said I do not know by how much and speculated only,”ani Roque.

Ikinatuwa ng mga guro ang pahayag ni Roque subalit napalitan ng pagkadismaya matapos ihayag ni Diokno na walang pondo at kung magdadagdag man ng suweldo, posibleng sa 2020 pa ito magkaroon ng kaganapan.

Agad namang sinakyan ng mga kritiko ang isyu sa dagdag sahod ng mga guro na anila ay “pampapogi” lang para makalusot sa isyu at epekto ng ipinatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Iginiit ng Budget secretary na mayroon pang dalawang nakalinyang salary increase ang mga kawani ng gobyerno mula sa salary standardization law at ipapatupad ito ngayon hanggang sa 2019. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?