132

Oct 8, 2021 @ 19:08
By

Roque tinuldukan senatorial bid

Tinuldukan na ni Presidential Spokesman Harry Roque ang planong pagkandidato sa pagka-senador.

Ito ay matapos hindi magbago ang isip ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio hanggang sa magtapos ang deadline ng Commission on Elections sa paghahain ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Sinabi ni Roque na dahil hindi humabol si Mayor Sara, wala na rin siyang plano na tumuloy sa darating na eleksiyon.

Naunang sinabi ng kalihim na tatakbo lamang ito sa pagka-senador kung tatakbo si Mayor Sara sa pagka-presidente sa ilalim ng kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago.

“That’s what I declared,” ang maiksing sagot ni Roque matapos magsara ang deadline nitong Biyernes sa pagtanggap ng certificate of candidacy ng mga kandidato.

Naniniwala naman ang kalihim na hindi gagamitin ni Mayor Sara ang opsiyon na substitution.

Sinabi ni Roque na nagbitaw na aniya ng pahayag ang alkalde na walang magaganap na substitution sa kabila ng patuloy na panghihimok sa kanya na tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 elections.

“She said there will be no substitution,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?