4,350

Jan 12, 2021 @ 20:12
By

Roque ‘tinarayan’ ni Vice Ganda

May sagot si Vice Ganda sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat maging pihikan ang mga Pilipino sa anumang bakunang ibibigay sa kanila ng pamahalaan.

“Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po puwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan,” pahayag ni Roque kamakailan.

Hirit naman ng comedian sa tagapagsalita: “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

Umani na ito ng 2.1K retweets at 16.3K likes sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?